Byahe
By: emjozar
Lumilipas ang panahon,
Nauupos ang nag-iisang pagkakataon,
Na sa mundo’y mabuhay,
At kasama mong maglakbay.
Di mo na ba babalikan?
Yung magkatabi natin na upuan,
Sa bus na ating sinakyan,
Pauwi sa ating kanya kanyang tahanan.
Ang tagal din ng byahe natin,
Pero saglit na lamang ngayon kung iisipin,
Dami nating kwento,
Di nauubos sa byaheng magkasama tayo.
Di mo na ba naaalala,
Yung mukha natin non sa twina?
Yung sayang umuukit sa mata,
Di na ba natin maibabalik pa?
Ako na lang ba?
Bababa ka na?
Hindi ba pwedeng wag muna?
Wag ka munang pumara.
